Wednesday, October 8, 2008
nakakatakot
dati, congressman lang naman ang target ng mga mamamatay tao. pero mukhang hindi na ngayon. pati pala staff, pwede na targetin.
kilala ko si robert dahil pina-akyat ako nun ni may, director ng cluster namin, sa office ni cong. waykurat. mid-2006 ito, kakapasa ko lang ng bar. kasi may bakante sa committee on mindanao affairs. sabi niya, kausapin ko ang mga tao sa opisina ni cong. waykurat, kasi sya yung chairman ng komite. magpakilala ako, chuvaloo. ako naman si masunurin, akyat naman. pakilala, chika-chika.
mabait si robert. hindi kami close, pero hindi ka-plastikan ang mga sinabi nya sa kin nung araw na una kaming nagkita. malamang kasi alam niya na matagal na ako sa congress --- kilala nya naman daw ako sa mukha. (ako, tumango, pero hindi ko talaga sya maalala.) may mga problema sa komite nung panahon na yun, baka daw ako ang makatulong sa kanila. eklavu-chenes. ang ending: siya din ang nagpakilala sa kin kay cong. waykurat. at ang totoong ending: nakuha ko yung posisyon. salamat sa tulong, robert.
hindi ko alam kung bakit nangyari kay robert ang nangyari kanina. maraming chismis... pero dahil chismis, hindi natin alam kung ano yung totoo.
basta ako, alam ko, tunay na tao si robert. marunong makipag-usap. hindi nagbibitiw ng pangakong hindi natutupad. yan ang pagkakilala ko sa kanya. at ngayon, paalam at pasasalamat na lang ang pwede kong isulat. dahil wala na siya.
nakakatakot ang nangyari kay robert... dahil kilala ko siya. dahil staff din ako dati.
ang pinakanakakatakot na naranasan ko nung staff ako, yung pag-uwi ko, bukas yung pintuan ng apartment ko, naka-kalat lahat ng gamit, pero walang nawala. yung alam mo na may hinahanap lang. yung alam mo na hindi pera ang kailangan. (hindi ko ito pina-blotter, dahil hindi ko pwedeng sabihin kung ano yung suspetsa kong hinahanap nila. tama sila... inuwi ko yung dokumentong iyon. pero binalik ko rin sa opisina nung araw din na yun. kumbaga, na-late sila. buti nalang.)
hindi ko naisip ng mga panahon na yun na pwede rin palang hindi lang breaking-and-entering ang pinaka-malalang mangyari sa kin. dahil pwede palang ipatumba din ako, kung na-timing na lumaki yung isyu nung panahon na yun.
buti nalang okay ako. pero nakakalungkot at nakakatakot na wala na si robert. na hindi sya okay. na meron tayong hindi alam, na alam niya, na yun ang rason kung bakit nangyari sa kanya yun.
nakakatakot talaga.
Labels:
congress,
government,
philippines,
politics,
robertdelano
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
be careful. scary nga.
grabe nman yan, pati staff tinitira na nila. nka-recess pa ngayon dba? naku, sana nman di mangyari kay friend yun.
true..nakaka-takot..but that's life..be more careful and maging matapang..coz...ayan yung type ng industry na pinasok mo..you know the consequences already..
i know your a strong woman..kaya mo yan..
sira talaga mga tao sa atin jan..naku!!!
kailangn mo na security jan..
oh my....that's tragic, apryll. be careful with your job. phil politics at its worst.
:( basta be safe always.
i don't know, mukha namang mas safe yung mga ginagawa ko ngayon compared to before. but yes, i always try to be careful. lalo na ngayon, extra careful pa. thanks steve.
hindi pa recess. session will go on recess on friday, after they pass the budget on 2nd reading. and yes, dapat si friend mag-ingat. mahirap na.
ac, dati naman safe ang mga staff. at ang secretariat. bad timing nga, malapit na ang anniversary ng congress bombing. kaya mas pinili ko mag-work sa congress kasi medyo "safe". pero mukhang hindi na ngayon.
i'd like to believe i'm done with the difficult and dangerous part of congress work, hence, my "quieter" life with the secretariat. kaso yun nga, we never really know...
sad talaga... trying to live a quiet, simple life. wala munang ingay, wala munang away, wala munang rocking-the-boat. i guess that's as safe as i can get.
hay plang nakakatakot nga talaga! Stay safe always. Nung nagkukuwentuhan sila dito about the Congress bombing, naisip kita. Be extra careful
woooww..so sad...nga naman sa atin oh!! diyos ko po..
walang mga puso..pray ka nalang and ingat..
shivers. i swaer.
iba talaga if you just read about it, tapos biglang mangyayari sa mga malapit sa yo.
sometimes we just have to be careful now, so we live to fight another day. ang lungkot.
yes, take care apryll.
Post a Comment